Walong oras ang ginugol sa data visualization training. Which was very interesting, even the concepts (na syang bulk nung training). Key takeaway: kapag hindi alam kung anong klaseng data meron ka, i-scatter graph mo na lang!
Bulilyaso #2: Naligaw papuntang office. Natandaan ko naman ang directions ni Louie: sundan lang ang MRT line hanggang Burger King. Eh kaso kumanan ako instead of kaliwa. Nakadalawang blocks na ko nang ma-realize ko na hindi ko nadaanan ang Shangri-La hotel nung kukunin ko ang susi sa apartment the previous day (na hindi ko naman nga nakuha).
Anyway, ayun, after ng training sinundo ko Rikah sa cubicle nya. So nagkaroon na rin ako ng mini-office tour. Na-meet ulit si Gomer, na nag-train sa 'min dati sa Pinas, saka yung kausap ko sa Marekting (the latter happened nung umaga, and unexpected sya kasi medyo nagtatago ako sa kanila that time. Hehe!).
Sumakay kami ng MRT papuntang Ximending kasi dun namin imi-meet si Lei, dating officemate who's now working... elsewhere. :) Kumain sa Saizeriya, which is not really a Taiwanese resto (Japanese-inspired Italian). Sinimulang subukan ang baklaan night nung pumunta kami sa may Red House, which is like the Malate area sa Taipei ("Kaya Ximending kasi pang-bading!" sabi ni Lei). Eh kaso mga 8PM pa yun ng Miyerkules so medyo walang tao. Haha!
Pumunta next sa Peace Park, which is apparently a cruising place. Again walang nangyari kasi maaga pa (although may isang cute guy na tumitingin sa direction namin). Babalik na sana sa may malapit sa apartment para pumunta sa Eslite Bookstore nang nag-text si Gomer recommending that we go to Gingin bookstore (for the more... adult-oriented materials) instead. So mega-taxi galore na naman kami. Kaso sarado na pala. Balik MRT. Isang malaking MRT adventure ang gabi namin. :)
Dumaan sa Eslite para bumili ng magazine. And thus endeth my day.
Walang nangyari masyado kinabukasan. Duh. 7AM nasa airport na kasi ako. Unless I count na naligaw na naman ako sa check-in counter? And kasabay ko sa eroplano ang site executive namin? :)
Sana makabalik ako soon. *ehem* In fairness nagandahan talaga ako sa Taipei. Mahirap lang talaga makipag-usap. Buti pa si Lei kumakausap na sa mga cabbie in Mandarin.
No comments:
Post a Comment