Delayed post -- hindi ko 'to naasikaso because of the 30-day challenge that was ongoing then. But since I had written about my previous adventures before, might as well do it again. :)
* * *
First time makapunta sa Taiwan, which is like 1.5 hours lang pala from Manila by air. Parang roadtrip lang to Tagaytay! Or isang commute ride from bahay to office habang may ginagawa sa Ortigas.
Anyway, ayun, pinadala sa Taipei para sa isang one-day workshop. So in total tatlong araw lang ako. Well, one whole day for the training, and the two half-days to fly in and out. Tinanong ako kung gusto ko raw ba mag-extend. Sabi ko 'wag na lang at wala akong pera.
Apparently mukha akong Chinese kasi Mandarin ang bungad sa 'kin ng mga FA ng EVA Air kapag may tatanungin sila sa 'kin. Like kung chicken or pork ang gusto kong kainin. In fairness maganda ang airline. At first time ko maka-sakay sa bonggang-bongga Boeing na may second floor. O ha!
Naluka ng slight sa realization na lahat ng mga business trips ko so far, may bulilyaso. Hehe. This time, muntik ko nang hindi makita yung car rental service. After that, hindi ko nakita ang susi sa assigned apartment nung dumaan ako sa branch office. Tsk. To think binigyan na ko ng instructions ni Rikah kung saan kukunin ang susi (sa mailbox, pero hindi ko talaga nakita). Ayun, sinubukang pumunta sa reception both ng building and ng office. So na-lost in translation na rin kasi--halos "no English!" palagi ang sinasabi sa 'kin ng tao na nakausap ko nung una eh.
Dahil walang susi sa apartment, nag-stay muna sa apartment next door, kung saan may fellow Pinoy na nakatira (kinatok ng landlord yung pinto nila at binilin na lang ako silently). Naupo at nanood ng Disney channel for about an hour hanggang dumating yung asawang taga-opis na dala ang susi (nasa mailbox daw talaga).
Ayus naman ang apartment. Sparse. Halatang gamit na gamit na ng lahat ng mga opismates na madalas magpunta dun. Hehe. Tatlong bedrooms. At least may free Internet (yay!). And apparently may housemate ako that time. Oh well. Madalas naman syang wala. :)
(May nagsabi sa 'kin na pag short trips dapat na-book ako sa hotel. Sayang!)
Sinundo nina Rikah and Louie, mga dating colleagues sa Pinas na naka-base na dun ngayon, at pumunta kami sa night market na malapit lang. "Malapit" meaning bonggang bonggang lakad, mga seven blocks. LOL. Pero ayus naman kasi chikahan galore. Kumustahan. May kasama silang girl named Kiko. Dating based sa Pinas din. Tapos nun we met up with Jaclyn, isa ulit opismate. Ayun, nag-dinner ng street food on my first night. Libre nila, of course!
Mga nasubukan kong street food: stinky tofu (di ko masyadong type; must be the smell), miswa soup (maasim), oyster pancake (na parang oyster omelette na masarap), Vietnamese sandwich (in French bread), and spring roll ice cream (loved it). Nag-try din ng konting sausage (with Wasabi sauce -- maraming types and saugsages and sauces dun) and (semi-) authentic Taiwanese milk tea. Syempre hindi natapos ang tsismisan while all of these were happening.
First impression ko sa Taipei that night: parang Maynila, only cleaner. Pwedeng maglakad, malawak ang sidewalk. Sabi nina Louie pwedeng pwede rin daw maglakad sa eskinita at 2AM and still feel safe. Wow.
And ang daming cute na Taiwanese! Especially the big-eyed ones. Parang mga Chinese mestizo lang dito. Reminded me of a crush. Ehem.
Hinatid nila ako sa apartment (wala silang choice kasi iniwan nila ang gamit nila dun) and naglakad din sila pauwi (malapit lang daw... like seven blocks din). Nag-online at naghanap ng landi. Hehe. May nakausap kaso walang picture at medyo nahiya naman ako sa housemate ko so nag-pass ako. In hindsight, sana pala ni-invite ko na rin. Hindi ko rin naman kasi nakita si roomie until the next morning. Aww.
Bumaba at lumabas ulit ng apartment para bumili ng bottled water sa malapit na 7-Eleven (malapit meaning 2 blocks naman). Muntik masagasaan ng kotse pabalik. Medyo ironic.
No comments:
Post a Comment