Show time.
Gumising ako ng bonggang-bonggang aga kasi may call time ng 7:00AM, an hour before the actual event. Actually di rin naman ako nakatulog ng maayos so talagang magigising at magigising din ng maaga. Gaya ng napag-usapan, the morning session will be for the customers, while the afternoon will be for the partners. Kinailangan kong gumawa ng dalawang sets ng slides para sa kanila.
Nag-check out na rin ako sa hotel ko sa Sydney nun. Aba, at meron akong ghost charge sa isang beer ata from the mini bar. Heler. Anyway, hindi ako makakain nung umaga, maski medyo masarap yung breakfast buffet. Kinakabahan ganun. Yung isa sa mga colleagues ko dun ni-pep talk ako. Sino raw favorite actor ko? Sabi ko Brad Pitt. I should channel him daw. Hehe. Sabi ko tuloy "erm, I think I should channel Cate Blanchett instead". LOL! Hey, whatever works.
Overall the event went okay. Okay din naman daw ang presentation ko. May mga questions na hindi ko masagot although they were all have something to do with products. Na wala naman akong masyadong alam admittedly. May nag-raise din na customers/partners na concerns, which I will definitely feed to the PH office.
Nag-press interviews din ako, although again may kasama. The questions were pretty easy naman pero di ko pa rin pinagkakatiwalaan ang sarili ko to answer them all kaya may kasama pa rin akong seasoned pros. Sabi nila okay din naman daw ako sa mga sagot ko. I sure hope so.
After the event dali-dali kaming pumunta sa airport papuntang Brisbane. Kinabukasan na kasi yung next roadshow stop. We were expecting na mas konti ang a-attend. But still.
Ang laki ng room hotel room ko sa Brisbane! Make that a pad. Kasi apartment style sya. Three freakin' bathrooms! May tub at na may jet stream/jacuzzi pa. Hehe! Kelangan ma-try ko sya bago umalis.
No comments:
Post a Comment