Tuesday, April 28, 2009

sct, day 4

Gumising ng mga 8:30 ulit para sa continental breakfast at umidlip muli hanggang tanghali kasi syempre kelangan refreshed na ulit para kinabukasan (may opis meeting kasi). Bumalik sa Darling Harbour kasi may ferry rides dun papuntang Circular Quay (na apprently eh pronounced as "key"). Dun kasi ang famous Sydney Opera House and closer view of the Harbour Bridge.

Napaaga ang punta ko dun so kumain na naman ako sa same snack bar kung saan nai-squirt-an ako ng ketchup. I know better now though. Hehe. Anyway, so ayun, mega-ride sa ferry, picture-picture galore (minsan 'accidentally" may kasamang eye candy... LOL!). Bumili ulit ng souvenirs. Ang mahal ng souvenirs in fairness. Oh well.

Actually naglakad-lakad lang ako at picture picture lang ng mga facade. May part dun sa Sydney called "The Rocks" kasi andun yung dating site ng original rock formations or something. Na syempre naging flat dahil sa buildings. Pero yung mga buildings (like the Museum of Contemporary Art) terra cotta colored sa area na yun. Parang same material ang ginamit ganyan.

Nasabi ko na bang mas malaki ang barya pag centavos? As in. Yung 2-dollar coin nila parang 25 centavos natin. Tapos yung 50 cents mas malaki pa sa 2-peso coin.

Ooh. At nasabi ko ba na right-hand drive ang mga sasakyan. Medyo na-disorient ako nung una kasi look left first instead of right. Hehe. Maski pedestrian keep left palagi.

Hinanap ang store ng Aussiebum pero apparently wala pala silang store. Or baka naligaw lang ako. Hehe. Oh well. Keber na lang.

Bumalik sa City at naglakad ulit sa Oxford. Sarado yung isang store na titingnan ko sana so... *kibit balikat* Bumalik sa hotel. Been eating burgers for the past couple of days now. LOL. At least I'd like to think na-offset sya ng healthy breakfast of cereal and toast. Saka kumain din naman ako ng Thai food for merienda. :)

2 comments:

mayee said...

hindi mo alam pronunciation ng quay??

PJ said...

sorry naman. :)