Gumising ng mga 8:30 kasi may continental breakfast na hanggang 9AM lang ata. By continental we mean cereal and toast. And yoghurt. May coffee rin. Kung gusto mong magpaluto ng bacon may extra AUD 8.00. Pero sozy yung bacon kasi may kasama namang sausage and egg. Anyhoo, di ako nagchorva.
Bumalik sa silid at umidlip ulet hanggang 11:00. Tapos bumaba para manood ng parada. Kasi ANZAC Day today. Parang Veteran's Day/Memorial Day nila. Na parang Fleet Week na rin kasi OMG ang daming men in uniform! Iba't ibang klaseng uniporme pa. Ang cute ng uniforms nila. At in fairness medyo naantig ang puso ko dun sa mga beteranong tuwid pa rin na nagmamartsa ang pinapalakpakan/kinakawayan ng mga tao. Naalala ko yung lolo kong war veteran din. Pero ba't parang wala ako experience na nakita syang nagmartsa before?
Pumunta sa Sydney Tower para dun sa observation deck ekek. I purchased this 3-in-1 package kasi online. Kasama Sydney Tower, Aquarium, at Wildlife. Kaso di ko alam kung baka 1 day lang din yung tickets so para sigurado, pinuntahan ko yung mga yun.
Ganda ng view from the top of the Sydney Tower. Would've paid additional AUD 40 for the Skywalk kaso OMFG maglalakad ka sa Plexiglass at naka-hang ang nasabing Plexiglass sa taas ng tallest building in Sydney.
Masarap maglakad sa Sydney (at least dun sa mga malalapit -- well actually maski sa medyo may kalayuan). Tama si Kuya Dragon(?) the frontdesk cutie kagabi (kaso day off sya today): pwedeng lakarin yung most tourist spots (he discouraged me into going to tours and cruises kasi mas mahal). Of course, napamahal din naman ako in the end sa mga souvenirs na pinagbibibili ko (especially the AUD 35 souvenir photo and interactive CD-ROM sa Aquarium) so I guess quits lang. Hehe. Ang cute ng koala at kookaburra. Medyo boring yung aquarium -- until I saw and the dugongs. Cute! Kung bakit pinangalan yun sa contravida character ni Luz Valdez sa Marina eh ewan ko na lang. Unjust! Yung jellyfishes din ganda ng effect.
Di pa pala ako nag-lunch so nung 4PM kumain ng hamburger sa snack shop ng Aquarium. Kakaiba ang ketchup packets kasi "squeezable" ek ek. Syempre si tangang lola nyo masyadong na-curious kaya may nag-squirt sa mukha ko. LOL! Not the type of facial I wanted. :P
Bumalik ng hotel tapos pumunta naman sa kabilang dayo -- to Oxford Street, ang naturingang Castro/Malate, etc. ng Sydney. Hinanap ang bookstore na nakita ko sa Internet at bumili ng tatlong libro. Huhu. Syempre natanga na naman ako at kung bakit bumili muna ng libro at hindi ni-check out ang bar/club scene daba? Anyway, too late ko na rin naman nakita (shet) pero ang cool lang din dumaan. Feeling ko may nag-check out sa kin. LOL. Swear. Pero ewan ko nahiya na naman ako to look back. Bukas na lang siguro ako babalik. Di rin naman bongga ang suot ko. At mahaba-habang lakaran ito mga teh.
(Pero kaloka, 7PM full swing na ang bars. Must be the effects of ANZAC Day. At in fairness ulet, ang mga unipormadong mga ate natin, nakikipag-ulayaw sa mga chorva. O di ba nakakatuwa ng slight?).
No comments:
Post a Comment