Gumising nga mga 8:00 tapos gumulong-gulong sa kama hanggang maalala na kelangan nga pala akong pumunta sa branch office. Kaya dali-daling naligo. Parang di gumana ang heater ng AC kasi bonggang-bonngang naglabasan ng chismis sa mukha dahil sa lamig. Yak. Kaazar.
Na-realize kong wala akong dalang cotton swabs. Yak ulet.
Nung gabi nga pala nanghiram ako sa reception ng adaptor ng plug. Iba ang plug dito sa Australia. Malalaman ko maya-maya na iba-iba pala ang plug ng mga bansa nang bumili ako ng sariling adapter (for AUD 11.95!). Kala ko bilog (Europe/US) at flat (Japan) lang.
Anyway, ayun so pumunta ako sa opis. Makulimlim. Ang gaganda ng mga buildings. Maya-maya rin malalaman kong ang Melbourne kasi ang sentro ng gold rush nung unang panahon. Kaya bongga ang mga buildings. Parang sandstone ganyan. Buti naman na-preserve.
Daming BY sa opis! To think kaunti lang sila. LOL. Tsk. Mababait din. Wala pa kong adapter nun kaya nanghiram/nakisaksak din. Naki-print din ng itinerary para sa susunod na mga cities na pupuntahan. Nag-present din ng ipe-present ko sa mga customers. So mega-feedback sila. Sayang di na ko nakapag-roundtable kasi kelangan nang tumalilis papuntang Sydney.
Maganda ang hotel ko sa Sydney. Parang old-fashioned din. Tapos it serves as a Mason club pa ata. Hehe. Anyway, masyadong naaliw sa Internet (na hindi libre pero still a necessity) at pagaayos ng gamit kaya di na naabutang bukas ang mga fastfood (or at least yung Subway sa tapat). 9PM yun. At ayoko pang mag-liwaliw sa dilim kaya buy na lang ako ng Twix at mineral water. Yun ang naging dinner ko.
No comments:
Post a Comment