Friday, April 24, 2009

sct, day 1

Nag-land sa Adelaide ng around 9AM. Nakakuha ng SMS Myla regarding sa isang balitaktakan na naganap habang nasa ere ang lola nyo. Gahd! Medyo naluka ako dun so may-I-voicemail akiz. As if naman may magagawa pa daba. Nag-land sa Melbourne around 1:10PM. Talagang bonggang late na for the PM session. Tried doing #2 in the loo (hehe!) to check out kung totoo bang iba ang ikot ng tubig pag fina-flush. Parang wala naman. O baka naman kasi super bilis ng mga flushes ng toilet.

Ang mahal ng taxi $50 from airport to the hotel. Kainis ang bago kong khaki slacks puro lint dahil dun sa kumot sa plane.

Nagkita na ng sponsor sa hall kung saan ginaganap ang chorva. Also met some familiar faces (read: those who went to Manila during one of the APAC meetings), which is nice. Nag-check in sa room with a queen sized bed and fantastic city view. Di ko napicturan ang room ko shet. Pero maganda with a tub and a shower and all. May lint remover pa!

Napalit at bumaba ulit para makipagchokaran sa mga utaw. Pero I ended up medyo OP. Eh kasi patapos na. Dafat meron daw panel na isasama ako pero di na natuloy kasi overtime. Dafat meron din atang interviews sa mga mamamahayag ngunit naudlot na rin dahil nga sa balitaktakang naganap. Oh well. So ayun, parang day-off ganyan.

Sumama sa mga Trenders sa dinner at comedy show. So syempre may konting chikahan. Kakainis di ako makasagot ng maayos. Anuvah! Medyo naasiman pa ko nang tanungin kung tumotoma ba ko. Mega-try to explain pa kasi eh. LOL!

Ang lamig. Pero di naman chilly. Except pag humangin ng slight ganyan. Sarap maglakad.

Kainis may Wicked na pinapalabas! At Billy Elliott the Musical! Graa! Syempre di ko sila mapapanood kasi kinabukasan fly na ulet to Sydney.

Ang daming PN. Make that BY. Shet.

No comments: