OMG! Last day na nga lang (well, 2nd to the last) at kinabahan pa ko ng bongga. Pa'no ba naman, akala ko nawala yung baggage ko. LOL!
Ang nangyari kasi, nag-checkout ako ng maaga pero since 4:30PM pa ang flight ko and may customer visit and phone interview pa kong gagawin, iniwan ko muna sa reception ng apartment yung big bag and small bag ko. By "iwan" it meant putting it in the landing on the stairs papuntang basement.
So ayun, I went to my tasks and by lunch time tapos na ko. Okay naman ang nangyari sa customer call and press interview, although natanga na naman ako ng konti sa press interview. Hehe. Nga pala, apparently wala talaga kaming office sa Brisbane, although we do have a virtual office na hina-hire or something. Paul C., who was the territory manager in QLD was nice enough to let me use the office for the phone conf. Kesa naman gamitin ko ang cell phone ko daba.
Anyway, so ayun nga, by noon tapos na ko. So I had lunch by the riverside. Nice view. May joggers na shirtless. Hehe. After nun naglakad-lakad ulit sa Queen Street. Nag-mall ng konti at bumili ng 2(x)ist boxers (wala kasing Aussiebum). Around 2:30 ng hapon bumalik ako ng hotel at wala ang mga bag ko!
Syempre kinabahan ako ng bongga. Apparently may nakakuha dun sa mga nagcheck-out so naluka din ang hotel manager kasi first time lang daw nangyari sa kanila yun. I hoped na yung mga kasama ko ang nakakakuha so ni-try kong tawagan. Kaso walang sagot. In the end naman tinawagan nila ako at tama ang suspetsa ko na sila ang nakakuha. Pero that took 30 mins. So mala-Amazing Race na naman ako papuntang airport kasi baka di na ko maka-check in at ma-miss ko ang flight.
On their end, yung mga kasama ko na ang nag-check ng baggage ko kasi di na nga ako aabot (of course kung nakuha ko bags ko ng maaga dahil nasa hotel pa yung mga yun, I would've made it with plenty of time to spare). So diretso na lang ako sa security check, sat down with them for some quick chat and snacks before boarding, lumipad pabalik ng Sydney, at nag-say ng goodbyes sa kanila as it was my last night there.
Nag-stay ako sa isang airport hotel kasi 9:30 AM ang flight ko the day after. Medyo na-tempt bumalik sa city kasi 1) nag-text yung college classmate ko kung gusto kong gumimik and 2) parang gusto kong bumalik sa Oxford Street (LOL!). I decided against it though -- dami rin kasing last-minute na gawain. I just watched episodes of The Simpsons.
Gumising ng bonggang aga kinaumagahan at pumunta na ng airport. At ayun. Spent the next 13 hours sa eroplano eating airplane food, sleeping, and watching movies (napanood ko na rin sa wakas ang Milk, Revolutionary Road, at Bride Wars). May 3-hour layover ulit ako sa Hong Kong so naglibot-libot ulit sa airport at kumain ulit. Hehe.
Arrived in Manila around 10:30. For the first time in several days, pinawisan ako.
No comments:
Post a Comment